24/7 Hotline:

Mayroon na kaming byahe sa rutang Cubao - San Fernando City, Pampanga, & Vice Versa

Simula October 1, 2020 ay magkakaroon na ng byahe para sa rutang Cubao - San Fernando City, Pampanga, & Vice Versa.






⚠️ Mahalagang Paalala:

Tanging mga residente at mga nagtatrabaho lamang sa probinsya ng Pampanga ang papayagang makabyahe. Hahanapan sila ng proof of residence at employment sa aming Cubao terminal.

Ang byaheng ito ay POINT-TO-POINT (P2P) at hindi magsasakay o magbababa sa mga lugar maliban sa origin at destination terminal.

Designated Pick-up & Drop-off Points:

- Victory Liner Cubao Terminal
- Robinsons Starmills, San Fernando City, Pampanga

Alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular No. 2020-051, ang mga bus tickets ay kailangang bilhin nang mas maaga na hindi bababa sa 2 araw mula sa petsa ng byahe.

Maaari nang mabili ang mga bus ticket online sa aming website sa www.victoryliner.com.

Para sa mga Premiere Cardholders, maaari kayong tumawag sa aming hotline na (02) 8842 8679 para mag-book ng inyong bus ticket.

Narito ang mga dokumentong kailangang dalhin ng mga pasahero sa kanilang pagsakay, alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular 2020-051.

✅ Travel Authority/Pass mula sa PNP;

✅ Valid ID na may kalakip na importanteng impormasyon ng pasahero tulad ng Address/Place of Origin, Edad, at Lugar kung saan nag-aaral o nagtatrabaho. Kapareho dapat ito ng pangalan sa online booking reservation.  Isusumite po namin ang manifesto ng mga pasahero sa LTFRB;

✅ Personal na sulat sa bond paper na pumapayag ang pasahero na sumailalim sa COVID-19 testing o magpa-quarantine sakaling obligahin siya ng triage personnel;

✅ Iba pang mga dokumentong kailangan ng IATF-EID at local government unit gaya ng health certificate.





Pinapaalalahanan ang mga pasaherong sasakay na mahigpit pa ring sundin ang mga health & safety protocols na ibinigay ng IATF-EID para sa pampublikong sasakyan:




✅ Magsuot ng face mask at full face shield




✅ Magdala sariling alcohol at sanitizer




✅ Sumunod sa physical distancing na 1-metro. Sundin ang mga seat markings sa loob ng bus




✅ Hindi kakain at iinom sa loob ng bus





✅ Hindi makikipag-usap sa cellphone o sa katabi

❌ Hindi papayagang makasakay ang mga pasaherong may temperatura na higit sa 37.5°C

Para sa mga katanungan, tumawag sa aming hotlines: (02) 8842 8679 o 0998 591 5102.

I-chat rin kami sa aming Facebook Messenger @VictoryLinerInc


Click here to book!

Disinfection of our Buses

Caloocan Maintenance Shop gets ISO 9001:2015 certification

Caloocan Maintenance Shop gets ISO 9001:2015 certification

Aarangkada na si DG Man!

Aarangkada na si DG Man!